Tagaytay

Resulta ng larawan para sa tagaytay

Ang Lungsod ng Tagaytay ay Ikalawang Klase na lungsod sa lalawigan ng Cavite. Ayon sa senso ng 2010, mayroon itong kabuuang populasyon na 62,030.


Ang Lungsod ng Tagaytay ay Ikalawang Klase na lungsod sa lalawigan ng Cavite. Ayon sa senso ng 2010, mayroon itong kabuuang populasyon na 62,030. Ang Lungsod nang Tagaytay ay matatagpuan sa katimugang Cavite, Silangan ng Alfonso, Timog ng Silang, Kanlurang ng Calamba sa Laguna at Hilaga ng Talisay sa Batangas, Tinagurian itong 2nd Summer Capital nang bansa dahil sa katamtaman nitong klima, Ang lungsod na ito ay pinakamataas at mabundok na lungsod nang Kabite, People’s Park in the Sky ang tawag rito, nasa itaas nito ang tinaguriang “Bundok Sungay” o “Bundok Gonzales”.
Ang Tagaytay ay isa sa mga lugar pang-turismo sa bansa, dinarayo ito nang mga turista galing sa iba’t ibang lugar at karatig lugar na kalapit nito. Ang Tagaytay ay may layo nang 59 kilometro o 37 milya sa Maynila

Taal Batangas

Resulta ng larawan para sa taal batangas

Ang Bayan ng Taal ay isang Ika-apat na klaseng bayan sa lalawigan ng Batangas, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2010, ang populasyon ng bayan ay 51,503


Maraming pagkain na makikita sa Taal Batangas isa na rito ang tinaguriang Tapang Taal at Langonisang Taal, and Tapa at Langonisa ay gawa sa baboy na ibinabad sa toyo na may timpla. Maraming nagsasabing ang Tapa at Longanisa ay isa sa mga pagkaing dinarayo pa ng karamihan mula sa ibang lugar ng Pilipinas. Mayroon ding Suman, Sinaing na isda at iba pa.

Batanes

Resulta ng larawan para sa batanes

Ang Batanes ay isang lalawigan sa hilagang Luzon. Ito ay kabilang sa Region 2. Ang lalawigang ito ay ang pinakahilaga sa buong Luzon. Binubuo ito ng mga pulo ng Batan, Sabtang, Itbayat at iba pang mga malilit na pulo. Halos ilang kilometro na lang ito sa bansang Taiwan. Ang Batanes ay isang kakaibang lugar dahil sa kultura at kalikasang tanging kanila lamang.

Boracay

Resulta ng larawan para sa boracay

Ang Boracay ay isang tropikal na pulo na tinatayang matatagpuan 315 km (200 milya) sa timog ng Maynila at 2 km sa hilaga-kanlurang dulo ng pulo ng Panay sa Kanlurang Visayas sa Pilipinas. Isa ito sa mga sikat na destinasyon ng mga turista sa bansa.binubuo ang pulo ng mga barangay ng Manoc-Manoc, Balabag, at Yapak (3 sa 17 barangay na binubuo ng bayan ng Malay), at nasa ilalim ng pamamahala ng Philippine Tourism Authority (Autoridad ng Turismo sa Pilipinas) na may ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Aklan.
Ang Boracay ay ang pinakamatanyag na baybayin na dinarayo ng mga turista. Ang pinakamagandang bahagi sa isla ay ang apat na kilometrong ‘White Beach’ na ito ang pinakamagandang baybayin sa buong mundo at nahirang noong 2012 sa Travel + Leisure Magazine bilang “best island in the world” . Ang nagpapaligid nitong tubig ay mababaw at ang buhangin ay mas preska at maliwanag sa ibat-ibang baybayin sa kapuluan.